Monday, March 1, 2010

Masakit Pala.




Sa lakas ng tunog

Ng dibdib na dumadagundong

Pilit na ikinukubli

Sugat na kay hapdi


Ilang araw umasa

Ilang buwan nagpakasasa

Sa bandang huli din pala

Puso ko’y basta lang nabalewala


Akala ko’y hindi magiging ganito

Akala ko’y walang sakit na maibabato

Ngunit ang damdaming umasa

Sa luha ay basang basa


Masakit nga talaga

Kapag ang puso na ang nataga

Sabi ng isang kaibigan, mag-ingat ako

Ngunit ako ay nagpakahulog, nagpaloko

 
Kasabay ng luhang gumugulong

Ang aking puso ay nakulong

Sa isang kakaibang panginip

Ng sadyang napakabilis kong idlip

 
Sa bandang huli

Puso at isipa’y sabay nagsisisi

Ang pusong nabigo at walang napala

Sa isipa’y nagsasabi, masakit pala.

No comments:

Post a Comment