Monday, March 1, 2010

Pusong Malikot.



Tumitibok-tibok, kumikirot-kirot

Pusong malikot maglaro’y napakaharot

Kapag ito’y nasimulang kumurot

Maaaring masaya, pwede ring nakakatakot

Ligaya ang dulot kung ito’y gumaan

Kasawain naman kapag ito’y nabigatan

Walang labang inuurungan pag ito’y hinamon

Handa daw lumaban kahit anong panahon

Subalit ng si Kupido na ang maglaro

Itong pusong malikot tila nalito

Pag-ibig nga ba ito?

O, bakit ganito?

Ang inaakalang laro

Nauwi sa madugong pakikipagbuno

Ngayon, itong pusong nagpakalikot

Unti-unti, dahan-dahang namamaluktot

Kapag daka’y pag-ibig na tila utot

Inubos ang mabangong hangin at naging mabantot

Pusong malikot tumigil na sa pagiging maharot

Manhid, tulala at ni hindi na makibot

Kung dati’y lahat ng bagay ay kinakalikot

Ngayon, sa kasamaang palad, balot na ito ng poot.

No comments:

Post a Comment