Simpleng tao kagaya ko
Madalas akong mangarap
At kalimitan dito ay tila mahirap malasap
Nais ko lamang ang mga bagay na tulad ng sa iba
Pero para sa iba, nais pa nila’y mas higit pa sa kanila
Nais kong mahiga sa tabi ng karagatan
Abutin ang mga tuktok ng mga kabundukan
Nais kong makipagkwentuhan ng walang katapusan
At masalita ng mga bagay na walang katuturan
Nais kong mamasyal kasama ng mga kaibigan
Kaibigang ang nais din ay matinding lakwatsahan
Pumunta sa mga lugar na hindi pa namin napupuntahan
Manatili duon hanggang sa aming pagsawaan
Nais kong magwaldas ng maraming salapi
Bilhin ang mga bagay na nais ko na tila isang api
Nais kong makakilala ng maraming tao
Mga taong tunay at hindi lamang pakitang tao
Nais kong maging matagumpay at mayaman
Pero ayokong may naiiwanan at nakakalimutan
Nais kong maging kaka-iba
At hindi lang basta-basta
Ngunit sa hirap ng buhay ngayon
Ang nais ko’y unti-unting makaahon
At dahil dito ako’y titigil muna
Dahil ang aking trabaho ay naghihintay na….hehehe



No comments:
Post a Comment